Publiko, binalaan sa mga nagpapanggap na empleyado ng DBM

Binigyang-babala ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na empleyado ng ahensiya at nagso-solicit ng pera kapalit para sa mabilis na pagpapalabas ng pondo para sa isang programa o proyekto.

Sa isang pahayag,kinondena ng DBM ang mga pekeng clain at aktibidad na ginawa ng mga nagpapanggap na indibiduwal na kasalukuyan nang iniimbestigahan para makilala ang mga sangkot sa scam.


“We shall neither tolerate nor condone false representation and solicitation of this nature in any way, form, opportunity, and manner, as the same is considered illegal and unlawful,”ayon sa kalatas ng DBM.

Ayon sa DBM, ang mga manggogoyo ay gumagawa ng draft documents at pinalalagdaan sa mga
local chief executives, kinikilala ang.mga contractors, at humihingi ng “tongpats” kapalit ng pangako na mailalabas ang kanilang pondo sa lalong madaling panahon.

“We have alerted, and have been seriously coordinating with pertinent authorities in conducting a thorough investigation into these illegal activities. We shall exert all efforts, within the fullest extent of the law, to identify, apprehend and file the appropriate charges against these deceitful individuals and groups,” dagdag pa ng DBM.


Nakikipag ugnayan na rin sa Department of Interior and Local Government(DILG),ang DBM para mag isyu ng memorandum sa mga recommending local governments units(LGUs) na gumawa ng aksiyon laban sa iligal na aktibidad.

Tiniyak ng DBM na walang undibiduwal o grupo ang awtorisado na makipag negosasyon, at mag solicit ng pera kapalit ng pabor dahil strikto umano ang DBM sa ipinatutupad na probisyon ng batas sa pagpapalabas ng pondo.


Hinikayat ng DBM ang publiko na maging mapag -matyag at kaagad na i report sa kanilang tanggapan ang sinumang makikilalang gumagawa ng katiwalian gamit ang DBM. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Budget and Management (DBM)

You May Also Like