Latest News

PUBLIKO, BINALAAN NG PDEA LABAN SA ‘PSYCHEDELIC MUSHROOM’

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGLABAS ng babala kahapon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Laso sa publiko laban sa paggamit, pagbebenta, pagpapakalat at pagtatanim ng “magic mushrooms” na may taglay umanong peligro sa kalusugan bukod sa mahigpit na ipinagbabawal ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Kamakailan ay nadiskubre ng PDEA ang panibagong operasyon ng pagpapakalat ng iligal na droga ng mga grupong nagpapanggap na mga ‘yogis’ o ‘soul therapists’, kung saan ginagamitan ang mga sumasali sa kanilang ‘healing therapy’ ng “psychedelic mushroom” na kahalintulad ng hallucinogenic drug na lysergic acid diethylamide o LSD, na sumikat noong dekada 70.

Kamakailan ay pitong katao ang nadakip ng PDEA at lumitaw sa pagsisiyasat na nagtatanim sila ng “magic mushroom” habang aktibong isinusulong ang paggamit ng microdosing, isang technique kung saan ay gumagamit ng maliit na bahagi lamang ng regular dose ng shroom o magic mushroom’ for medicinal purposes’.

“ They reportedly advertise the alleged “therapeutic benefits” of the mushrooms through social media, and are promoted by known influencers and personalities as a form of soul therapy during yoga sessions,” ayon sa PDEA.

Sa pagsusuri, lumabas na ang ‘key ingredient’ sa “magic mushrooms” ay Psilocybin- na tinatawag din nilang “Katsubong” sa ilang lugar .

“It is classified as an illegal substance in the Philippines under the Dangerous Drugs Board (DDB) updated list of Scheduled Controlled Substances. It is also included in the Schedule I of the 1971 United Nations Convention on Psychotropic Substances. When ingested, psilocybin turns into psilocin, which can produce psychedelic effects similar to the hallucinogenic drug lysergic acid diethylamide or LSD,” pahayag ng PDEA.

Nitong nakalipas na linggo ay nadakip at nahulihan ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service (SES); PDEA Regional Office I; Provincial Drug Enforcement Unit; at Bacnotan Police Station ang pitong katao ng mga lollipops, chocolate bars at gummy bears na hinihinalang hinaluan ng “magic mushrooms” na nagtataglay ng psilocybin.

Ang pitong suspek, kabilang ang isang foreigner, ay nagsusulong ng microdosing. Ang microdosing ay tumutukoy sa pagkonsumo ng maliliit na doses ng shroom o magic mushroom, na naglalaman ng psilocybin — isang kemikal na compound na itinuturing na ilegal sa bansa.

Sinabi ng mga suspek na nakakabawas ito ng mga sakit sa kalusugan ng isip.

“Sila yung grupo na nag cu-cultivate ng mushroom. Advocate kasi sila ng micro-dosing, tapos ang cover story nila ay soul therapy, yoga at pinapakita nila ito sa social media,” ani PDEA Special Enforcement Service Director Rogelito Daculla.

“Isa pang kinokontrol natin dito is yung marami ang matuto sa pag-cultivate, pino-promote nila openly sa social media, baka mamaya maraming makahagip kung paano gawin ito,” dagdag pa nito.

Tags:

You May Also Like

Most Read