Umaasa si Health OIC Usec Maria Rosario Vergeire na matatapos ang COVID-19 public health emergency sa 2023.
Ang pahayag ay ginawa ni Vergeire kasunod nang pahayag ng World Health Organization (WHO) na umaasa na hindi na maituturing na global health emergency ang COVID 19 sa 2023.
Iginiit rin ng WHO sa China na ibahagi anh impormasyon na tutukoy kung papaano nagsimula ang pandemya.
โVery hopeful tayo dahil nagbigay naman ang WHO ng ganitong deklarasyon. Pero kailangan maintindihan din ng ating mga kababayan na we still need to be very cautious dahil ang sabi nga ng WHO, titignan natin na makita pa rin natin talaga na patuloy na bumababa ang mga kaso ng mga kritikal at saka mga namamatay sa COVID-19,โ ani Vergeire.
โWe are very hopeful on this, and hopefully by next year we can already see na mali-lift na itong public health emergency na โto,โ dagdag ni Vergeire.
Nabatid na ang state of public health emergency sa Pilipinas ay idineklara.noong Marso 2020 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Proclamation 922, ang ” state of a public health emergency ” ay mananatili hanggang hindi inaalis ng Presidente.Ito ay ini-extend ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hanggang Disyembre 31,2022. (Anthony Quindoy)














