Latest News

Public at private clinics, gagawing vaccination sites

PINAPLANO ng pamahalaan na buksan na rin bilang vaccination sites ang mga public at private clinics sa bansa.

Bilang bahagi umano ito ng “Resbakuna sa mga Botika” na inilunsad ng Department of Health (DOH) noong Enero 20, at unang nilahukan ng pitong botika at pribadong klinika sa Metro Manila.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layunin nitong palawakin pa ang pagbabakuna sa bansa at mas marami pang Pinoy ang mabakunahan kontra COVID-19.


Anang kalihim, sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Medical Association (PMA) hinggil sa naturang inisyatiba.

“Kausap na namin ‘yung Philippine Medical Association. Isa sa mga stratehiya na aming ipapatupad itong mga kilinika, both public at private na mga clinics, ay bubuksan na as vaccination sites,” pahayag pa ng kalihim, sa panayam sa radyo nitong Martes.

“Kung naalala ninyo, nung dalawang linggo nakaraan o tatlong linggo, ay inilunsad natin ‘yung Resbakuna sa Botika. Ngayon, ine-expand na natin ‘yung access even sa mga clinics sa mga communities para sa gayon ay mas madaling mapuntahan ng sinumang gustong magpabakuna at makakatulong ito sa pagtaas ng vaccination coverage,” dagdag pa niya. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read