Hinihikayat ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang.nalalabing suspek sa pagpaslang kay Calapan City, Oriental Mindoro radio blocktimer Cresenciano Aldevino ‘Cris’ Bundoquin na sumuko na at harapin ang kasong isinampa laban sa kanya ng Philippine National Police (PNP).
Kaugnay nyan ay nagbabala si PTFoMS executive director Paul Guttierez laban sa mga nagkakanlong sa suspek na si Isabelo Lopez Bautista, itinuturong bumaril kay Bondoquin na maari silang kasuhan ng Obstruction of Justice kapag napatunayan na itinatago nila si Bautista.
“The PTFoMS would like to commend our fellow members of the press, especially in Mindoro, and other concerned individuals who responded to our call for help and cooperation in solving this case by doing their own separate interviews and research and providing us of what they have uncovered,” aniya.
“Their efforts are complementing the ongoing investigation and manhunt being done by the SITG Bundoquin of the Philippine National Police leading to this incident’s speedy resolution,”ayon kay Gutierrez.
Npag-alaman na noong Biyernes ay isinampa na ang kasong murder at attempted murder laban kay Bautista sa Calapan City Regional Trial Court.
Sinabi ni Guttierez na ikakalat nila ang mga nakuhang larawan ni Bautista na kinilala ng anak ng biktima na siyang bumaril sa kanyang ama.
Kabilang na dito ang larawan na nakuha sa kanyang Facebook account bago niya ito nai-deactivate.
Sinabi ni Guttierez na ayon sa Isang source, pinabulaanan nito ang pahayag ng mga pulis na nasaktan si Bautista matapos na sumemplang ang kanilang get- away motorcycle na dahilan para masawiaAng kanyang kasabwat na si Narciso Ignacio Guntan.
Nabatid pa kay Guttierez na nasa maayos na kalagayan si Bautista at wala itong sugat sa katawan.
Kaugnay nito, muling inalok ni Guttierez ang pamilya ni Bautista na mailagay sa witness protection program (WPP) kung makakatulong ito para isuko si Bautista.
“With his identity finally revealed, Bautista must now realize that his options are getting smaller by the day, including those harboring him,” dagdag ni Gutierrez.
Una nang sinabi ni Guttierez na.may kaugnayan sa illegal gambling sa Mindoro Oriental at pulitika ang motibo sa pagpaslang kay Bundoquin.
Sa impormasyong nakuha, si Bautista at Guntan ay nagtatrabaho umano sa lokal na peryahan sa Mindoro at driver din sa ilang maimpluwensiyang indibiduwal sa lalawigan.
Iginiit ni Guttierez na maimbestigahan ang Isang police major at isang bigtime perya operator sa Mindoro na posibleng may kaugnayan sa pagpaslang kay Bundoquin.