TINATAYANG umabot ng 105,597 ang bilang ng mga turista sa Boracay nitong buwan ng Marso na may 4,858 daily average, ito ang pinakamataas mula noong magsimula ang pandemya taong 2020.
146,440 ang bilang ng domestic tourists, 1,624 ang mga Pilipinong nakabase sa ibang bansa, at 2,533 naman ang foreign tourists.
Nanatili pa ring mababa ang bilang ng mga dayuhang turista matapos pahintulutang makapasok sa bansa ang mga fully-vaccinated na dayuhan mula sa mga bansang free-visa.
Ayon sa opisyal, kritikal ang pagbangon ng ekonomiya ng Boracay sapagkat tumitigil nang matagal sa isla ang mga dayuhang bisita.