TRUCK VS JEEP: ANIM PATAY, 14 SUGATAN

PATAY ang anim na katao matapos na aksidenteng magkabanggaan ang isang jeep at truck sa Castilla, Sorsogon nitong nakalipas na linggo .

Sa ulat ng Sorsogon PPO naganap ang sakuna dakong alas-3:45 ng hapon na ikinasugat din ng 14 na iba pa.


Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na mabilis ang takbo ng pampasaherong jeep nang bigla nito iniwasan ang malalim na lubak sa national road sakop ng Barangay San Rafael.

Sinasabing nawalan umano ng kontrol ang driver sa jeep, at sumakabilang lane dahilan para mahagip ng kasalubong na truck mula sa kabilang direksyon.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang guro mula sa San Rafael National High School na kagagaling galing lamang sa paaralan kaugnay sa ginagawang paghahanda sa gaganapin National Achievement Test (NAT) bago mangyari ang aksidente.


Kasama rin sa mga nasawi ang isang 19-anyos na estudyante mula Sorsogon State University at isang alumni ng Villanueva Gabao Institute Inc. sa Sorsogon City.

Ayon kay Edgar Ardales Jr., pinuno ng Castilla Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), madalas talaga ang aksidente sa lugar dahil sa mga “sharp curve” sa kalsada. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


 


Tags: Sorsogon PPO

You May Also Like