Latest News

TATLONG ‘MOST WANTED’ SA MASBATE, ARESTADO SA MANHUNT OPERATION

TATLONG itinuturing na ‘most wanted person’ sa probinsya ng Masbate ang tuluyan nang nahuli ng mga otoridad sa pinaigting nitong kampanya kontra kriminalidad.

Dakong ala-1 ng hapon, nahuli ng pinagsamang operatiba ng Placer MPS at PIU Masbate ang isang 59-anyos na lalaki sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang akusado ay nakilalang si Juan Canabe y Dollison, residente ng Brgy. Poblacion, Placer, Masbate. Siya rin ay kinokonsiderang ‘rank 5 most wanted person’ ng Placer MPS. Wala ring itinalagang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.


Napasakamay naman ng kapulisan ang ‘rank no. 7 MWP’ rin ng Placer MPS na si John Lester Sinangote y Negre nang hainan ito ng mandamiento de aresto para sa kasong intentional abortion na may piyasang P80,000.

Bukod dito, nahaharap din ito sa salang rape na may kaugnayan sa RA 7610. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pagkakasala. Dakong 8:30 ng umaga sa Brgy. Burabod, Placer, Masbate nadakip ng mga otoridad ang naturang indibidwal.

Samantala, hindi na rin nagawang itanggi ng akusadong si Marvin Verano y Dela Cruz alias Nonoy nang ito ay hulihin ng mga operatiba ng CIDG Masbate PFU RIU5/PIT5, 94th SAC 9th SAB, PIU Masbate PPO, Cawayan MPS at Masbate CPS para sa krimeng frustrated murder. Siya rin ay tinaguriang rank 8 MMWP ng Cawayan MPS.

Ang PNP Bicol ay patuloy ang pagsisikap upang mabigyan ng hustisya at kasagutan ang matagal ng hiling na katarungan ng mga naulilang pamilya ng mga biktima. Makakaasa ang komunidad na sa susunod na magv araw mas palawakin pa nito ang operasyon upang dakpin ang natitira pang wanted ng batas. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PIU Masbate

You May Also Like

Most Read