Latest News

Target ng DOH sa Ilocos, nalagpasan na

NALAGPASAN na ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ang kanilang target na makapagbakuna ng 91,637 indibidwal sa National Vaccination Days 4 (NVD4) na sinimulan noong Marso 10.

Ito’y matapos na makamit nila ang kabuuang 128,317 COVID-19 doses na nai-administer o 140% vaccination coverage hanggang nitong Marso 17, 2022, Huwebes.

Sa ulat ng DOH-Ilocos Region nitong Huwebes, nabatid na ang Ilocos Sur ay nakapagtala ng pinakamataas na porsiyento ng vaccination coverage na umabot sa 275% o kabuuang 33,560 doses na na-administered mula sa NVD4 target na 12,184 lamang.

Ang Ilocos Norte naman ay mayroong 179% o 22,429 doses na naipagkaloob mula sa target na 12,523; ang Dagupan City ay may 160% o 4,563 indibidwal na nabakunahan mula sa 2,847 target; ang La Union ay may 144% o 20,189 vaccines na nai-administer mula sa 14,035 target; habang ang Pangasinan ay nakaabot ng 95% o 47,576 bakuna na naiturok, mula sa target na 50,048 individuals.

“Muli akong nagpapasalamat sa lahat ng ating mga vaccination teams, sa mga health workers kasama na ang mga barangay health workers natin, sa kanilang patuloy na suporta upang maibigay at madala ang ating mga bakuna sa mga bahay-bahay lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar sa probinsya,” ayon naman kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco.

“The DOH regional vaccination teams together with members of the rural health units have braved the scorching heat of the sun even the precipitous rains just to deliver the needed booster shots to eligible individuals residing in the mountains, beach communities and other GIDA barangays in the region,” aniya pa.

“Ngayong NVD4, lahat ng sektor ay ating pinuntahan gaya ng mga palengke, mga farm, churches, kampo ng mga sundalo, mga business establishments, mga drayber ng pampublikong sasakyan upang masiguro na lahat sila ay bakunado at nakumpleto na ang kanilang proteksiyon laban sa Covid virus,” pahayag pa ni Sydiongco.

Ang 4th COVID-19 national vaccination drive o ang “Bayanihan Bakunahan 4” campaign ay matatandaang pinalawig pa ng pamahalaan hanggang sa Marso 18, 2022 bilang bahagi ng pagsusumikap na mas mapalawak pa ang vaccination coverage ng bansa.

“For those who have yet to receive their booster shot, visit the nearest vaccination site in your area and avail the vaccine to be fully protected. Hindi magiging kumpleto ang inyong protection laban sa Covid-19 kung kayo ay hindi nakatanggap ng booster shot o ikatlong bakuna para dito,” panawagan pa ni Sydiongco. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read