Latest News

TALONG DRUG SUSPECTS AT 21 KATAO, TIKLO SA ISANG ARAW NA OPERASYON NG QUEZON POLICE

Quezon Police Provincial Office, Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Tatlong drug suspects at 21 indibidwal, ang arestado sa tatlong magkakahiwalay na operasyon ng Quezon-PNP kontra iligal na droga.

Nadakip ang dalawang suspek sa Tiaong Quezon, kung saan naaresto ang isa suspek sa inilatag na drug buy-bust operation sa Sitio Villa Brgy. San Juan, Tiaong, Quezon at nakumpiska mula sa pag-iingat ng nadakip ang mga sumusunod; dalawang piraso ng HTSP na naglalaman ng hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang 0.75 gramo na may halagang P15,708 at isang P500 bill na ginamit na buy-bust money.

Naaresto naman ang isang suspek matapos makatanggap nang tawag mula sa BIN (Barangay Intelligence Network) ng ulat na isang indibidwal na paikot-ikot at may dalang patalim sa bisinidad ng Tiaong, gayundin naman sa pagsasagawa ng pag-aresto at mandatory frisking, nakumpiskahan ang suspek ng isang piraso ng HTSP na naglalaman ng hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang 0.50 gramo na may halagang P10,200 kasama ang ebidensyang nakuhang fan knife (balisong).


Samantala sa Lucena City, isa pang drug suspek ang hinuli sa sa buy-bust operation sa Purok 5, Brgy Dalahican, Lucena City, kung saan nakumpiska ang mga sumusunod; isang HTSP na naglalaman ng hinihinalang shabu apat na HTSP na naglalaman ng hinihinalang shabu na may sumatotal na humigit-kumulang na timbang 1.0 gramo na may halagang MOL Street value na P20,400, isang coin purse at isang P500 na ginamit na buy-bust money.

Sa kampanya kontra ilegal na sugal, tiklo ang 16 katao sa magkakahiwalay na operasyon, kung saan naaresto ang siyam na suspek sa paglalaro ng tong-its sa Purok 1A Brgy. Dalahican, Lucena City, Purok Dau, Brgy. Poblacion 61, Real Quezon, at Brgy San Juan Panukulan, Quezon.


Sa bookies, arestado din ang isang suspek sa Brgy Tumbaga, Sariaya, Quezon. Sa paglalaro naman ng bingo ay apat ang nadakip sa Brgy Ibabang Nangka Tayabas City at dahil naman sa aktong paglalaro ng pusoy ay dalawa ang naaresto sa Brgy. Caridad Ibaba Atimonan, Quezon.

Sa kampanya laban sa mga most Wanted Persons, arestado ang dalawang MWP, isa dahil sa kasong murder sa Brgy Cabuyao Sur, Padre Burgos, Quezon at isa sa kasong theft sa Brgy Talipan, Pagbilao, Quezon.


Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng istasyon para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis ayon sa kanilang paglabag sa batas.

“Ako bilang inyong Probinsyal Director, kasama ang buong kapulisan ng Quezon ay mahigpit na pagbabantay at Pagpapatupad ng batas ng pantay at tama, hindi natin kokonsintihin ang sinumang at anumang paglabag sa batas na nagdudulot ng banta sa ating pamayanan. Ang mga mandato ng PNP ay patuloy na umiiral at pinapaigting natin para ilunsad at panatilihing ang kapayapaan at kaayusan tungo sa maunlad na probinsya ng Quezon.,” ikani PCol. Joel Villanueva, Provincial Direktor ng Quezon PPO. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Quezon-PNP

You May Also Like

Most Read