SUBIC DRUG DEN, SINALAKAY NG PDEA AT PNP

APAT katao ang nadakip nang salakayin ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Zambales Provincial Police Office ang isang drug den sa Subic, Zambales.

Ayon sa ulat, isang anti-narcotics operation ang ikinasa ng PDEA Zambales at local police matapos na makumpirma ang kanilang intelligence report hinggil sa bentahan ng droga sa isang makeshift drug den sa Purok 6B, Muslim Area, Barangay Calapacuan, bayan ng Subic. Zambales


Base sa report na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, may apat na drug personality ang kanilang nadakip na kinilalang sina Hajiraya Ibnohali y Saral, 48, ng Purok 6b, Calapacuan, na nagsisilbing Drug Den Maintainer (targetlisted);

Sheila Gatos y Small, binata, 33 ng 12th St. New Kalalake, Olongapo City; Rita Garcia y Sibayan, binata, 33 ng #32 Upper Kalaklan, Olongapo City; at Rocky Arpilleda y Cabasal, binata, 35 residente ng Upper Kalaklan, Olongapo City.

Nakuha ng mga mga awtoridad sa buy bust operation ang apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu , samu’t saring drug paraphernalia; at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.


Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naaresto na suspek.(VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Zambales Provincial Police Office

You May Also Like