SOLCOM COMMANDER, NAG-DEPLOY NG DAGDAG NA PUWERSA PARA SA ELECTION 2022

SEGURISTA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine-Southern Luzon command na hindi sila masisingitan ngayon mismong araw na election kaya nagpasya si SOLCOM commander Lt Gen Bartolome VO Bacarro na mag deploy ng karagdagang 200 fully equipped soldiers para mapalakas ang kanilang kasalukuyang naka-deploy na regular forces .

Mahigpit na tagubilin LT GEN Baccaro sa kanyang mga tauhan kailangan itodo nila ang suporta ngayong Lunes hanggang sa matapos ang eleksyon upang masigurong magkakaroon ng secure, accurate, and fair election (SAFE) before, during and after the actual voting day in May 9.


Itinalaga ni Bacarro ang karagdagang puwersa kay 201st Bde commander, BGEN Norwyn Romeo P Tolentino na may hawak ng 59th at 85th Infantry Battalion.

Bukod dito pinakilos din ng SOLCOM ang kanilang Quick Reaction Team (QRT) at Civil Disturbance Management (CDM) Teams na standby alert sa Camp Nakar.

Pinalakas din ng Philippine Army ang puwersa ng AFP Joint Task Force-NCR . Kasunod ng ginawang mustering of troops kahapon sa loob ng Army headquarters sa Fort Bonifacio na pinangunahan mismo ni Army commanding General, Lt Gen Romeo Brawner.


Nabatid na nagtalaga si Ltgen Brawner Army contingency force kaugnay sa gaganaping national and local election ngayong araw na ito sa Metro Manila.

May 400 troops na itinalaga si Brawner na contingency or standby force sa Headquarters Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Metro Manila.


Ang nasabing contingency force ay binubuo ng Civil Disturbance Management (CDM), K-9, Explosive Ordnance Disposal (EOD), Ambu-Medic, at Chemical, Biological, Radiological and Nuclear (CBRN) teams bukod sa naunang composite company na itinalagang sumuporta sa Joint Task Force-NCR nang magsimula ang election season ,

Habang nagdagdag pa ng 4,000 sundalo ang mga Philippine Army Major Units bilang augmentation forces para sa unified commands.


Tagubilin ni Ltgen Brawner : To practice the right of suffrage and to ensure the safe, orderly, and peaceful conduct of elections. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: SOLCOM commander Lt Gen Bartolome VO Bacarro

You May Also Like

Most Read