SINALAKAY NA BODEGA NG PHILIPPINE MARINES AT COAST GUARD, P42-M BIGAS, KINUMPISKA NG BOC

By: Victor Baldemor Ruiz

“Forfeited” ang may P42M halaga ng smuggled rice na nadiskubre matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Navy -Marines kasama ang Philippine Coast Guard sa Zamboanga City.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Bureau of Custom Commissioner Bienvenido Rubio, ipinag-utos ng BOC -Port of Zamboanga (BOC-POZ) na ‘forfeited’ na ang may 42,180 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P42 million mula sa sinalakay na warehouse sa Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City.


Nabatid na sa tulong Philippine Marine-Marine Battalion Landing Team 11 at Coast Guard Intelligence Group-Southwestern Mindanao, Task Force Aduana ay unang naglunsad ng warehouse inspection ang BOC na armado ng Letter of Authority na may lagda ni Rubio.

Unang nakatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad hinggil sa hinihinalang smuggled na sako- sakong bigas na nakaimbak sa warehouse sa Brgy. San Jose.

Dito tumambad ang 42,180 sacks ng Alas Jasmine Fragrant Rice base sa isinagawang imbentaryo.


Sa ginawang beripikasyon sa mga dokumentong hawak ng may- ari ng bodega ay lumilitaw sa pagsisiyasat ng ESS-CPD at CIIS na hindi covered ng kinakailangan Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Plant Industry ang imported rice, bukod pa sa mga nakitang discrepancies sa aktuwal na bilang ng nakumpiskang bigas kumpara sa nakasaad sa iprinsinteng dokumento.

“The proofs of payment submitted referred to a shipment of “White Rice 15% Broken”, while based on the actual examination, the seized sacks of rice were Jasmine Fragrant Rice”, ayon sa ulat.


“BOC-POZ then issued an Order of Forfeiture against the subject sacks of rice for violation of Section 1113 (f) in relation to Section 117 of the CMTA of 2016, Rice Tariffication Law, and Republic Act No. 10845, otherwise known as the “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016” ani District Collector Arthur G. Sevilla Jr. ng Port of Zamboanga.


Tags: Bureau of Custom Commissioner Bienvenido Rubio

You May Also Like

Most Read