Pulis, patay sa accidental firing

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang bagitong pulis sa isa na naman umanong kaso ng accidental firing.

Batay sa report ng Alfonso, Cavite Municipal Police Station ang biktima ay kinilalang si PCpl. Steve Eduard Rollon na nakatalaga sa Dasmarinas City Police Station.


Alas-8 kahapon ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang Alfonso Philippine National Police (PNP) sa isang kaso ng accidental firing sa Brgy Upli, Alfonso, Cavite.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nililinis umano ni Cpl. Rollon amg kaniyang service firearm na isang Stoeger Cougar cal 9mm., nang bigla itong pumutok.

Tinamaan ito sa dibdib kaya’t agad na itinakbo sa Poblete Hospital pero ideneklarang patay na nang idating ito ayon sa mga doktor dahil tumagos sa kaniyang puso ang punglo. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PCpl. Steve Eduard Rollon

You May Also Like

Latest News