Latest News

PROVINCIAL DIRECTOR, SINIBAK

SINIBAK sa kanyang puwesto ang Provincial Director ng Pampanga matapos na masabit ang kanyang sampung tauhan sa hulidap sa isang tupadahan sa bayan Bacolor, ayon sa Philippine National Police.

Sa impormasyong ibinahagi ni Police Col. Jean Fajardo ang taga pagsalita ng PNP sa media , inalis sa pwesto ng Police Regional Office 3 ang Provincial Director ng Pampanga na si Police Col. Robin Sarmiento.

Paliwanag ni Col. Fajardo, tinanggal sa pwesto si Sarmiento dahil sa isyu ng command responsibility.

Ito ay matapos na masangkot ang 10 tauhan nito sa pagnanakaw sa isang compound sa Barangay Duat, Bacolor sa kasagsagan ng operasyon sa tupada noong March 19.

Pinalitan si Sarmiento ni Police Colonel Jonas Amparo na ngayon ay Officer-in-Charge ng Pampanga Police.

Una ng sinibak sa puwesto ang 10 tauhan ng Pampanga Police dahil sa reklamo ng pagnanakaw sa mahigit 370 ,000 cash at iba pang mga mga kagamitan.

Bukod sa kasong kriminal na isinampa laban sa mga pulis ay nahaharap din ang mga ito sa hiwalay na kasong administratibo sa Internal Affairs Service ng PNP. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read