PNP-PRO5 YIELDS 6.8M DRUGS SA BUY-BUST; SUSPEK, PATAY

“IT is the irrationality of drug users that poses danger to society ” it’s not enough to have a goal, you have to apply it, pa gamin ni ni PNP-PRO5 Regional Director PBGEN Jonnel C Estomo kaya desperado siyang maresolba drug problem sa Bicol Region.

Inihayag ito kahapon ni Bicol PNP Chief PBGen. Estomo, kasunod ng report na isang bigtime drug pusher ang napatay sa ikinasang anti- narcotics operation ng kanyang mga tauhan sa Brgy Mancruz, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang napatay na drug personality na sina Merlito Senaon Bayta Jr., 37, binata ng Barangay San Juan, Baao, Camarines Norte.


Matapos magsagawa ng case build-up at intelligence operation laban sa target personality ay ikinasa ng PNP-PRO5 ODRDO-RPDEU5 TEAM Camarines Norte sa pamumuno ni PCPT Emil S Yebra katuwang ang mga operatiba ng PPDEU/PIU Camarines Norte PPO, Camarines Norte 1st PMFC at MPDEU DAET MPS,sa pangangasiwa ni LT COL Jerry M. Alvarez, Chief RPDEU5 ang buy-bust operations sa Brgy Mancruz.

Kumagat sa pain ang suspek at binentahan nito ng 100 gram ng shabu ang nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P600,000.00 pesos. Subalit natunugan ng suspek na police pala ang kanyang katransaksyon kaya mabilis itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga papalapit na pulis.

Napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba na ikinamatay ng suspek.

Nagawa pang madala si Bayta sa pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.


Sa isinagawang crime scene investigation , bukod sa nakuhang buy bust items na 100 gramo ng shabu ay nakakuha rin ang mga awtoridad ng siyam pang knot tied plastic pouch na naglalamang ng umaabot sa 900 gramo ng Shabuna tinatayang may sreet value na aabot sa P6.8 Million.

Isang (1) unit Taurus PT1911 Caliber45 pistol, na may serial number 516258; dalawang (2) pirasong steel magazine para Taurus Caliber 45; ilang live ammunitions para sa cal.45 at mga fired cartridges recovered na nakuha sa crime scene.

Kasalukuyang bineberipika ngayon ng PNP-PRO5 Intelligence Unit ang report na nagmumula sa Bilibid Prison ang droga na isinu-supply ni Bayta sa mga kalapit lalawigan. Minsan na rin umanong nakulong ang suspek ng dalawang taon nang dahil din sa iligal na droga. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PNP-PRO5 Regional Director PBGEN Jonnel C Estomo

You May Also Like

Most Read