PNP-PRO5 ACTIVATES TASK FORCE BICOL SHIELD

TATLONG araw bago ang opisyal na panunumpa ni incoming president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay in-activate ng PNP Police Regional Office 5 ang Task Force Bicol Shield para tiyaking magiging payapa at maayos ang inagurasyon ng presumptive president ng Pilipinas.

Ang task Force Bicol shield ay opisyal na pinakilos eksaktong 12:00 kamakalawa ng tanghali June 27, 2022.


Bahagi ng inilatag na security preparation ay paiiralin ng dalawampu’t pitong (27) City /Municipal Police Stations mula sa apat na Police Provincial Office at isang City Police Office ang 24/7 checkpoint sa kahabaan ng Maharlika hi-way mula Matnog, Sorsogon hanggang Sta Elena, Camarines Norte.

Bukod dito inatasan din ni PBGEN MARIO A REYES, RD, PRO5 ang lahat ng lower units na magsagawang police and mobile visibility para matutukan ang kasalukuyang peace and security situation sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Pinag igting ng kapulisan ang kanilang intelligence gathering operation para mabantayan ang pagkilos ng mga lawless elements and threat groups. “ The unit also established its RSSF from RHQ while the CDM from all the PPOs and CPO is on alert to respond on any eventualities that may happen during the period,” ani Major Malou Calubaquib tagapagsalita ng PNP Bicol.


“The creation of the Task Force Bicol Shield is in anticipation of the possible events and circumstances that may arise on the coming of the new administration. Likewise, we shall not cease to adhere with the protocols and standards to keep the community safe”, ani RD Reyes.

Sa Kalakhang Maynila ay activated na ang Task Force Manila Shield simula pa kahapon, Inihayag ng DILG na handang-handa na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya sa ilalim nito magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa paligid ng National Museum kung saan opisyal na manunumpa sa tungkulin ang ika-17 pangulo ng bansa.

Umiiral na rin aniya ang gun ban at sa mga susunod na araw ay magpapatupad na rin ng mga karagdagang road closures.


Kasunod nito, sinabi ng opisyal na wala naman silang namo-monitor na seryosong banta sa inagurasyon ni PBBBM.

Nasa 18,339 public safety at security forces ang ipakakalat para magbantay sa inagurasyon ni BBM

Ayon kay Police Lt. Colonel Jenny Tecson, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office, sa naturang bilang, 13,846 ang NCRPO personnel; 1,061 ang personnel mula sa Philippine National Police support units; at 3,432 personnel mula sa allied agencies at force multipliers.



Hinihikayat ng PNP ang mga nagbabalak na magsagawa ng kilos protesta na kung maari ay kanselahin na lamang ito.

Pero kung magpupumilit aniya ang ibat ibang grupo, papayagan ang mga ito na magsagawa ng kilos protesta sa Freedom parks lamang.

Halimbawa na ang Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio.

Hindi kasi aniya papayagan ng PNP ang mga kilos protesta malapit sa National Museum.

Tiniyak ng PNP na paiiralin ang maximum tolerance sa araw ng inagurasyon. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PBGEN MARIO A REYES

You May Also Like

Most Read