PINASABUGAN NG GRANADA, ISA PANG GURO PINATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

ISA na namang guro ng pampublikong paaralang ang pinatay matapos hagisan ng granada ang kanyang bahay sa Pikit, Cotabato, sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinondena naman ng Department of Education ang panibagong pamamaslang sa hanay ng mga guro . Kinilala ng pulisya ang huling biktima na si Marichu Cabañog, guro ng isang pampublikong paaralan sa bayan.


Nagawa pang itakbo sa isang ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng attending physician

Batay sa imbestigasyon ng Pikit Municipal Police, natutulog ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang marinig ang pagsabog sa kanilang bahay sa Barangay Ginatilan nang nagdaang lingo.

Nakita na lang umanong nakahandusay at duguan ang biktima dahil sa tama ng shrapnel sa katawan sanhi ng pagsambulat ng inihagis na granada.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at inaalam ang salarin at motibo sa krimen.

Noong Mayo, patay din ang isang guro at isang guro rin ang sugatan sa pamamaril sa bayan.


Tags: Department of Education

You May Also Like

Most Read