Latest News

PHP 1.4 MILLION DROGA; 5 PERSONALIDAD HULI NG PHILIPPINE MARINES

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGING instrumento ang mga tauhan ng Philippine Marines para masamsam ang nasa P1.4 million halaga ng Shabu at pagdakip sa limang kasapi ng lawless element group sa isinagawang joint law enforcement operation sa Zamboanga City.

Ayon kay Philippine Navy Public Information Office chief Commander Benjo Negranza base sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., bukod sa nasamsam na droga ay limang kalalakihan din ang nadakip sa ikinasang anti narcotics operation sa bisa ng hawak nilang warrant.

Nabatid na sinuportahan ng Marine Battalion Landing Team 11 ang local police para makapaglunsad ng joint law enforcement operation sa Sitio Lumbayao, Mercedes, Zamboanga City laban sa mga taget personalities.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Ian Basilio Rodriguez, Joebert Bazan Macario, Mark Anthony Felix Go, Roderick Rivera Zapanta, at Rizaldy Jamilla Saludar.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang 210.58 grams ng Shabu na may estimated market value na aabot sa PHP1,431,944.00, isang Cal .30 US Carbine with range scope, isang US Army Cal .45 pistol, isang CZ 100 Luger 9mm pistol, isang Cal .38 revolver, limang Carbine magazines, at sari saring bala.

Dinala ang mga nadakip na suspek at nasamsam na ebidensiya sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and detection Group-9 para sa kaukulang follow up investigation at proper disposition.

Tiniyak naman ni outgoing Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Roy Galido, na tuloy tuloy ang kanilang ginagawang pagsuporta sa iba pang security agencies ng gobyerno para masiguro magiging matagumpay ang mga susunod pang law enforcement operations.

Tags:

You May Also Like

Most Read