HINDI itinanggi ng Armed Forces of the Philippine at maging ng pinuno ng U.S Indo Pacific Command ang posibilidad na pagkakaroon ng karagdagan pang Enhance Defense Cooperation Agreement site bukod sa nauna ng siyam na lugar na kasalukuyang sumasailalim sa ibat ibang development.
Kasunod ito ng mga isinagawang inspeksyon sa ilang EDCA projet na pinangunahan nina AFP chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Admiral John Aquilino, Commander ng US Indo-Pacific Command, kasama si US Ambassador to Manila MaryKay Carlson partikular sa Lal-lo Airport sa Lalo-lo, Cagayan at Basa Air Base sa Floridablanca sa Pampanga.
Sa isang maikling pulong balitaan, kahapon matapos ang isinagawang Mutual Defense Board-Security Engagement Board Meeting sa Camp Aguinaldo ay hindi ikinaila ni Gen Brawner at Admiral Aquilino na tinitingnan nila ang posibilidad na magkaroon pa ng karagdagang mga EDCA site at kanila na itong pinag aaralan.
“we are in discussions but everyone has a boss and we both have bosses so we’re gonna, we’ll have those conversations I think in private and give our bosses some decision space on how they’d like to go forward, ani Adm Aquilino.
Inihayag din ng dalawang military generals na mula sa 32 EDCA projects ay nagdagdag pa sila ng panibagong 63 projects sa mga designated EDCA sites. “The united states has identified investment of almost a hundred and ten million dollars to those sites to build capability capacity for the AFP to use everyday and for the United States to fall in on when invited,” ani Aquilino.