Latest News

P890M IRRIGATION PROJECT SA ORIENTAL MINDORO, PADADALUYIN NA

PINAGHAHANDAAN na ngayon ng National Irrigation Administration ang pagpapadaloy ng P-890 Million Bongabong River Irrigation Project, isa sa mga big-ticket irrigation projects sa Oriental Mindoro kasunod ng gagawing inauguration.

Ang Bongabong River Irrigation Project ay dinisenyo para ma serbisyuhan ang may 6,000 hectares na taniman ng 5,500 cubic meters na patubig para mapakinaangan ng may 3,000 farmer beneficiaries at stakeholders sa mga bayan ng Bongabong, Roxas at Mansalay sa lalawigan.

Nakapaloob sa construction ng nasabing proyekto ang paggawa ng intake structure na aabot sa 41 kilometers ng Main Canal at 45 kilometers ng Lateral Canals, na may complete irrigation structures and facilities na sinimulan noong 2012 at nakalikha ng napakaraming trabaho para sa mga residente ng lalawigan.


Sa kasalukuyan ang Bongabong River Irrigation Project ay nagsisilbing supplemental source ng patubig para sa 2,095 hectares ng palayan mula sa iba’t-ibang communal irrigation systems sa lugar . “ This irrigation system has also generated 4,152 hectares of potential irrigable area” ayon pa sa NIA .

Ayon kay Regional Manager William P. Ragodon s akanyang report kay NIA Administrator Ricardo Visaya, bukod sa Bongabong RIP, 19 iba pang irrigation projects ang nakatakdang pasinayaan ngayong buwan.

Target nitong matiyak na magkakaroon ng episyenteng irrigation service batay, sa plano ng NIA upang makatulong sa pamahalaan na maisulong ang kaunlaran sa bansa at mai-angat ang kabuhayan ng mga magsasaka. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read