P6.8-M HALAGA NG SHABU HULI, APAT ARESTADO

By: Victor Baldemor Ruiz

Itinatayang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa apat na kalalakihan na nadakip sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ng humigit- kumulang sa P6,800,000 ang nasamsam na droga sa inilatag na buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA -RO9 kamakalawa ng tanghali sa Barangay San Roque, Zamboanga City.


Apat na hinihinalang mga bigtime drug dealers ang nadakip sa ikinasang anti- narcotics operation ng PDEA RO0, PDEA RO9’s Regional Special Enforcement Team, katuwang ang Zamboanga City Office, PNP City Drug Enforcement Unit (CDEU) at PNP Criminal Investigation Unit (CIU).

Nakasilid sa isang vacuum-sealed plastic pack ang droga na may marking ng Chinese tea bag. Nakuha rin sa mga suspek ang ilang non-drug evidence, kabilang ang sampung bundle ng ‘boodle money’ na napapaibabawan ng tunay na P1,000 bill, puting Tecno Spark cellphone, isang Honda Wave 100 motorcycle at isang asul na Rusi tricycle.

Kinilala ni Director III Maharani Gadaoni-Tosoc ang mga naaresto na sina Eldrian Alvarez, 20, construction worker; Jason Orquijo, 39, habal-habal driver; Alrakib H. Dasid, 36, driver din at Ellan I. Testado, 42, kuliglig driver, na pawang naninirahan sa Barangay San Roque.


Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 of Republic Act No. 9165, also known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na suspects.


Tags: NP City Drug Enforcement Unit (CDEU), PNP Criminal Investigation Unit (CIU)

You May Also Like