ITINATAYANG nasa P12.9 milyong halaga ng ‘cannabis sativa weeds’ ang winasak sa isinagawang joint ‘marijuana eradication’ ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sulu.
Natuklasan kamakalawa ng militar ang mga puno ng marijuana sa may sampung plantasyon sa Sitio Tubig Baba, Brgy. Pitogo, Kalingalan Caluang, Sulu na may sukat na 15 ektarya.
Nabatid na ang nasabing ‘marijuana plantation’ ay pinamamahalaan umano ng isang Maddi Khan alyas “Maddi” at kanyang mga kasamahan.
Agad na bumuo ng composite team mula sa Philippine Army., PNP at PDEA para magsasawa ng eradication at pagsunog ng libo- libong puno ng marijuana sa area.
Kasalukuyan namang tinutugis ng militar ang nagmamantia ng nasabing plantasyon na mabilis na nakatakas nang matunugan ang pagdating ng mga awtoridad.