NAPASLANG ang isang hinihinalang komunistang rebelde nang nakaengkwentro ng mga awtoridad ang isang grupo ng mga armadong New Peoples Army sa Barcelona, Sorsogon nitong nakalipas na linggo.
Base sa report na isinumite ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, naglunsad ng security combat patrol operation ang mga sundalo at pulis sa Barangay Olandia kasunod ng impormasyon hinggil sa presensya umano ng armadong grupo sa lugar.
Dito nila nasabat ang nasa 12 hinihinalang miyembro ng New People’s Army na agad na nauwi sa bakbakan na tumagal ng halos 15 minuto.
Wala namang naitalang nasugatan sa bahagi ng tropa ng gobyerno.
Kasama sa mga narekober sa encounter site ang dalawang rifle at M203 grenade launcher.
Samantala 2 NPA naman ang naaresto sa isinagawang law enforcement operation ng Police Regional Office 5 at Philippine Army sa Masbate.
Nadakip sa Cataingan, Masbate, ng mga tauhan ng Cataingan MPS; RIU/PIT 5, PIU OPCON at 2nd PMFC sina Delmo Moneno y Diaz, 53 anyos at Arthus Abejuela y Legaspi, 48 na kapwa residente ng Brgy. Nadawisan at kasapi ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4, under Rogelio Suson Command, alyas “Ka Manong”.
Tatlong barangay officials sa Cataingan, Masbate anmg sumuko matapos ang serye ng pag uusap na pinamumunuan ng RIU5-PIT Masbate at mga tauhan ng Masbate PPO, SAF at AFP. Pawang kasapi rin sila ng Rogelio Suson Command .
“Our collective effort is indeed taking us closer to our desired direction for a safe and peaceful community. We assure the public that in the coming days we shall continue to embark on our programs and initiatives to rip to shreds the insurgents and foil their hostile acts”,ani PBGen. Mario Reyes, RD, PRO 5. (VICTOR BALDEMOR)