NPA COMMANDING OFFICER, 2 PA, PATAY SA ENGKWENTRO

PATAY ang Commanding Officer ng Regional Operations Command (ROC) ng CPP-NPA Far South Mindanao Region (FSMR) at dalawang kasamahan nito matapos ang sunod-sunod na sagupaan sa bayan ng Palimbang sa Barangay Baluan, Sultan Kudarat, nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Colonel Michael Santos, Commander ng 603rd Infantry (Persuader) Brigade, matapos ang apat na magkakasunod na sagupaan ay napaslang ng kanyang mga tauhan si Ian Dela Rama alias Cris, commanding officer ng regional operations command ng FSMR Regional Committee . Siya ay dati ring Secretary ng Front 4A, North Central Mindanao Regional Committee mula May 2018 – May 2019. Si Rama ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong Arson sa Butuan City.

“Also neutralized in the gunfights were Valerio Lacumbo with aliases as Bitoy, Bobit, and Delfin with an existing warrant of arrest with criminal case # 568-2007 for robbery with violence against or intimidation of person filed in a local court at Kidapawan City and Wilmer Dela Cruz alias Dodong/Grab, a member of Dabu-Dabu Platoon of South Regional Command of Daguma, Far South Mindanao Region”, ayon kay Col. Santos.


Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang trop ng 57th Infantry Battalion nang nakasagupa nila ang isang pulutong ng CPP-NPA sa Barangay Baluan, Matapos ang ilang minutong putukan ay tumakas ang mga rebeldeng NPA subalit hindi sila tinantanan ng mga sundalo.

Nagsagawa naman ng blocking operations ang mga sundalo mula sa mga kalapit nay unit kaya nagkaroon ng sunod-sunod na sagupaan

Sa isinagawang clearing operation ay nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army 37th IB ang isang M16A1 rifle with short magazine na may 15 bala, at isang Garand rifle at habang nagsasagawa ng search and destroy operations ang pinagsanib na pwersa ng 57IB at 63rd Division Reconnaissance Company ay na-recover nila ang tatlong bangkay.

Ani Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command: “Let us continue to work to dismantle all the remaining terrorist groups in our area of operation.” (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Commanding Officer ng Regional Operations Command (ROC) ng CPP-NPA Far South Mindanao Region (FSMR)

You May Also Like

Most Read