Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court ng reclusion perpetua ang isang peace consultant at spokesperson ng National Democratic Front of the Philippines(NDFP) na si Concha Araneta peace consultant and spokesperson Concha Araneta matapos na mapatunayan guilty sa isang shooting incident sa Aklan noong 1975.
Nabatid na si Araneta ay inakusahan sangkot sa pagkamatay ni Metudio Inisa sa Sitio Agbanuod sa Madalag, Aklan.
Wherefore, premises considered, judgment is hereby rendered finding accused Concha Araneta, or alias ‘Maria Concepcion Araneta’, ‘Chacon’, ‘Jojo’, ‘Etang’, guilty beyond reasonable doubt of the crime of murder… and is hereby sentenced to suffer imprisonment of reclusion perpetua,” ayon sa desisyon ng korte.
Nabatid sa Department of Justice(DOJ) ay nanunuluyan sa kanyang bayaw noong Setyembre , 1975 ng dumating ang 9 katao armado ng armas.
Isa sa siyam ang nagpakilala bilang miyembro ng New People’s Army(NPA) at isa sa mga babae ang nagtanong kay Inisa bakit siya lumahok sa Philippine Constabulary.
Nang hindi sumagot si Inisa bumunot ng baril ang babae at pinaputukan sa ulo si Inisa,kaaunod nito ay pinagbabaril pa ito ng mga kasama ng babae.
Nakilala ang babaeng bumaril kay Inisa na si Araneta kaya siya ay kinasuhan ng murder.














