Latest News

NAWAWALANG DALAGITA, PATAY NANG MATAGPUAN

By: Victor Baldemor Ruiz

POSITIBONG kinilala ng mga kamag-anak ang natagpuang bangkay ng isang 17-anyos na dalagita na may isang linggo nang nawawala matapos na madiskubre ang nabubulok nang katawan nito sa isang bakanteng lote sa Barangay Liboton, Naga City.

Hinihinalang hinataw ng martilyo ang dalagita base sa nakitang isang martilyo at isang lagari na posible umanong ginamit ng salarin at maari din umanong makatulong sa kakikilanlan ng suspek.


Kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagkakakilanlan ng biktima base sa suot nitong jogging pants at shirt na siya umanong suot nito nang huling makita bago napaulat na nawawala may anim na araw na ang nakalilipas.

Nadiskubre ang bangkay bandang alas-3:30 ng hapon na nakabalot ng kumot at itinapon sa basurahan. Huli umano itong nakitang pumasok sa isang convenience store.

Agad na ipinag-utos na isailalim ang labi ng dalagita sa medico-legal examination upang mabatid ang mga pinagdaanan nito o sanhi ng kanyang kamatayan.


Tags: Camarines Sur National High School

You May Also Like