NAKA-HOLD ngayon sa Antique at hindi na pinayagang maglayag ng Philippine Coast Guard ang MV Happy Hiro cargo vessel na sangkot sa pagsalpok sa isang fishing boat na hinihinalang ikinamatay ng ilang mangingisda.
Kasabay nito inihayag ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na nakapaghain na rin ng reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple injuries, and damage to property sa Antique Prosecutor’s Office bunsod ng umanoy kapabayaan ng ilang tripulante ng barko.
Habang napilitan na ring ihinto na ng Philippine Coast Guard ang isinasagawa nilang search and rescue operation sa pitong mangingisda na sakay ng FB JOT-18 na inulat na nawawala matapos na mabanga ng cargo vessel na MV Happy Hiro sa karagatan sakop ng Agutaya, Palawan.
Dahil dito ay tinapos na rin ng MARINA at Coast Guard ang imbestigasyon ayon kay Abu.
Isa sa mga lumabas sa imbestigasyon na isang crew lang ng MV Happy Hiro ang naka-duty ng maganap ang insidente kung saan sinasabing nabangga nila ang naka-angkala FB JOT-18 dahil may sira ang sasakyan ng maganap ang sakuna.
Aniya, hindi nila ipinagpapalagay na patay na ang pitong mangingisda pero ginagawa na ng Coast Guard ang search and retrieval operation.
“Apat yung sinama natin doon sa charges — yung kapitan, second mate, at dalawang ani Abu, Kinilala ang mga ito na sina Meshay Amir, ang MV Happy Hiro’s Croatian crew master; Romanian second mate Bogdan George; Filipino officer Tyrone Maquiling, at isa pang Filipino officer Mckinley Amante.
Subalit sinasabing hindi rin ligtas ang FB JOT-18 sa asunto dahil may mga paglabag din umano itong ginawa base enforcement inspection apprehension report ng PCG Station Antique sa fishing vessel. (VICTOR BALDEMOR)