Most wanted person sa kasong panghahalay, arestado sa manhunt operation

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang ISANG Most Wanted Person (MWP) sa isinagawang joint Manhunt operation ng Los Baños Municipal Police Station at ng RSOU-4A o Regional Special Operations Unit nitong Agosto 5, 2022.

Kinilala ni Acting Provincial Director, Laguna, Police Colonel Cecilio Ison, Jr. ang akusado na si Jeffrey Palapala y Felices, 36 years old, male, single, residente ng Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna


Sa ulat ng Los Baños MPS naaresto ang akusado sa ikinasang manhunt operation Agosto 5, 2022 sa ganap na 5:00 ng hapon sa Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna at ito nga ay nag resulta sa pagkaaresto ng nasabing akusado. Ayon pa sa Los Baños pulis ay malaking tulong din ang binigay na impormasyon ng complainant sa ating mga awtoridad para maaresto agad ang akusado.

Ang nasabing akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Acting Presiding Judge Ave A. Zurbito-Alba, RTC, Branch 8, Calamba City, Laguna. Nilabas ang warrant of arrest laban sa akusado noong Hunyo 25, 2022 at nahaharap siya sa kasong Sexual Assault in Relation to Section 5 of R.A 7610 (2 counts) and Acts of Lasciviousness in Relation to Section 5 of R.A 7610 (2 counts) na may inerekomendang piyansang P180,000 bawat isang kaso.

Samantala, ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Los Baños MPS. Ang pagkaaresto ng akusado ay agad namang ipapaalam sa korteng pinagmulan ng warrant of arrest.


Ayon sa pahayag ni Police Colonel Ison Jr, “ Patuloy na tutugisin ang mga maysala… ganyan ang gagawin ng ating Laguna pulis upang mabigyang hustisya ang mga biktima.”

” Sa pagka aresto ng akusadong ito mabibigyan na ng hustisya ang kanyang nabiktima at ito isa lamang sa mga operasyon ng mga kapulisan natin at tinitiyak ko po sa mga tao dito sa Laguna na patuloy po kami sa aming mga operasyon para matiyak ang mga seguridad ng mamamayan ng Laguna.” dagdag na pahayag ni BGen Antonio C Yarra, Regional Director, PRO CALABARZON. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Acting Provincial Director, Jr., Laguna, Police Colonel Cecilio Ison

You May Also Like