MILYONG HALAGA NG PUSLIT NA YOSI , 2 INDONESIANS, HULI NG PHIL NAVY

By: Victor Baldemor Ruiz

Tinatayang aabot sa P11,840,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy nitong nakalipas na linggo sa karagatang sakop ng Southwest ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Philippine Navy Flag Officer in Command bukod sa puslit na sigarilyo ay may dalawang Filipino at dalawang undocumented Indonesian national ang nadakip ng mga tauhan ng Naval Forces Eastern Mindanao sa isinagawang sea interdiction at on board investigation.


Ang Indonesian motorized watercraft KM PEJUANG DEVISA 2 ay namataang may kahina hinalang kargamento ng mga tauhan ng Philippine Navy-NFEM kaya hinabol at sinabat ng BRP Artemio Ricarte (PS37), isa sa mga barko ng Philippine Navy na nasa operational control ng Naval Task Force 71 ng NFEM habang nagsasagawa ng routine maritime patrol .

Sa sinagawang pagsisiyasat ay nadiskubre ang 296 master cases ng pusit na yosi na may estimated value na aabot sa Php 11,840,000.00. Bukod pa sa nadiskubreng dalawan) undocumented Indonesian nationals na sakay ng motorized watercraft.

Agad na dinala ang nasabat na lantsa at apat na tripulante nito kabilang ang 2 Indon National sa Naval Station Felix Apolinario para sa health inspection and custodial debriefing.


Ang mga nakumpiskang kontrabando at mga nadakip na tripulante ay ibibigay sa mga awtoridad gaya ng Philippine Tobacco Institute, Bureau of Internal Revenue – Revenue Region No. 19, Philippine Drug Enforcement Agency XI, Bureau of Immigration XI, National Intelligence Coordinating Agency XI, Bureau of Customs Collection District XI, and PNP Station 4-Sasa


Tags: Philippine Navy-NFEM

You May Also Like

Most Read