TINUTUGIS ngayon ng militar at pulis ang grupong responsable sa paghagis ng granada sa isang military detachment sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, bandang alas- 7:20 ng gabi nang pinukol ng granada ang Patrol Base Resty ng Army 6th Infantry Division na nasa Barangay, Madia, Datu Saudi Ampatuan, na malubhang ikinasugat ng apat na sundalo.
Kinilala ng PNP Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang mga sugatan na sina Cpl. Awing , SSg Cordero, PFC Gundayao at PFC Felix na pawang ino-obserbahan pa sa pinagdalhang pagamutan.
Target naman ng intelligence network ng military at pulis ang hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek na sakay ng isang kulay dilaw na XRM motorcycle na walang plaka na agad na nakatakas mula sa blast site.
“Nakalulungkot sapagkat nangyari ang insidenteng ito sa panahon ng banal na paggunita ng Ramadan — isang sagradong panahon ng kapayapaan, pagninilay, at pagkakaisa ng ating mga kapatid na Muslim. Ang ganitong uri ng karahasan ay walang puwang sa isang lipunang nagsusumikap na magkaroon ng pagkakaunawaan at kapayapaan,” dagdag pa niya.
“Kamakailan lang ay sunod-sunod po kasi ang pagbabalik-loob ng mga myembro nila, dala pa ang kani-kanilang mga firearms.May 16 na nagsurrender sa Datu Piang, at 5 sa DSA,” anang opisyal.