TINIYAK ng PNP Visaya Area command na hindi nila lulubayan ang pagtugis sa salarin na responsable sa pagpatay sa dalawang paslit at kanilang ina sa Barangay Pupua sa Catbalogan City, Samar.
Magkakayakap pa umano ng matagpuan ang isang 5-buwang sanggol, kaniyang 3-taong-gulang na kapatid at kanilang ina na pawing may mga tama ng saksak sa labas ng kanilang bahay .
Sa ulat ng Catbalogan PNP nadiskubre lamang ang bangkay ng mag-iina ng umuwi umano ang kinakasama ng ginang ,
Sinasabing galing sa pagmamaneho ng tricycle ang padre de pamilya at kakauwi lamang umano nang makita ang kanyang wala nang buhay na misis, 26-anyos, at kanilang dalawang anak nitong Miyerkoles ng gabi.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang kakikilanlan at motibo ng salarin kung bakit nagawa ang karumal dumal na krimen.
Napag alaman na nasa may paanan ng bundok ang bahay ng mga biktima na may kalayuan din sa national highway kaya walang pang btestigong lumulutan para sa kakikialnlan ng suspek, ayon sa pulisya.














