ISANG NPA AT 1 SUNDALO, PATAY; 2 PA SUGATAN

Isang tauhan ng Philippine Army ang napaslang habang dalawang kasamahan nito ang sugatan sa ginawang pananalakay ng armadong grupo sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan sa Maguindanao del Sur, nitong nakalipas na lingo, ayon sa military report.

Base sa ibinahaging ulat ng 601st Infantry Brigade (IB), nasa community related mission ang mga sundalo ng 40th Infantry Battalion kasama ang mga boluntaryong sibilyan para magsagawa nga pagsasaayos sa nasirang tulay sa Barangay Labulabu II noong kasagsagan ng bagyo ng umatake ang grupo ng armadong kalalakihan.


Kinilala ng militar ang nasawi bilang si Private First Class Jomar Saladar habang kapawa nasa pagamutan pa ang mga sugatang sina Sgt. Allan Rey Estanda at Private Carl Araña .

Sinasabing tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok bago umatras ang grupo, na sinasabing mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ani Maj. Saber Balogan ng 601st IB.

Samantala , isang kasapi ng communist New Peoples Army ang napatay naman ng mga tauhan ng 23rd Infantry (MASIGASIG) Battalion na nasa ilalim ng operational control ng 402nd Infantry “Stingers” Brigade, 4th Infantry “Diamond” Division, Philippine Army .


Nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga sundalo nang masabat nila ang isang pulutong ng armadong communist terrorist group na hinihinalang kasapi ng PLTN SAGAY, SRC 3, NCMRC, na pinamumunuan ni @JOKOL (TN: Rene Villa) sa Sitio Tacub, Barangay Rizal, Buenavista, Agusan del Norte bandang 10:25 Biyernes ng gabi.

Walang nasugatan sa panig ng Philippine Army nan aka recover pa ng isang caliber .30 Carbine, ten (10) packs ammonium Nitrate, one (1) bandolier, one (1) magazine of Carbine at tatlong (3) rounds ng live ammunitions.


Samantala muling nanawagan si Lieutenant Colonel Jeffrey Balingao, Commanding Officer ng 23IB, sa mga nalalabing kasapi ng CTG’s na magsalong na ng kanilang sandata at samantalahin ang alok na pagbabagong buhay ng pamahalaan. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

 


Tags: 601st Infantry Brigade (IB)

You May Also Like

Latest News