HIGH-GRADE MARIJUANA AT CANNABIS-INFUSED GUMMIES, NASABAT NG ADJUANA

By: Victor Baldemor Ruiz

NASABAT ng mga tauhan ng Aduna ang ilang gramo ng high-grade marijuana at cannabis-infused gummies sa Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark na nagmula sa New York USA.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, nakumpiska nila ang nasa 40 gramo ng high-grade marijuana o kush at sampung pouch ng tetrahydrocannabinol (THC) cannabis-infused gummy candies na nakatago sa loob ng “parcel” na idineklara na naglalaman ng mga “sneakers”.


Ayon sa pagsisiyasat, dumating ang nasabing kontrabando nito Pebrero 1 at sumailalim sa x-ray scanning at K9 sniffing kung saan parehong nagpapahiwatig na posibleng naglalaman ng mga ipinagbabawal na gamot.

Dahilan ito para ipag-utos na isalang ito sa physical examination, kung saan nakita ang mga tuyong dahon ng hinihinalang high-grade marijuana o kush, ayon kay District Collector Erastus Sandino B. Austria.

Pahayag pa ni Austria, agad nilang ipinasa ang nasabat na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency na kasalukuyang nagsasagawa na ng follow-up investigation hinggil sa pinagmulan nito at kung sino ang totoong consignee.


Isang warrant of seizure and detention ang inisyu laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

Sa direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang BOC ay tiniyak ni Commissioner Bienvenido Rubio na mananatiling matatag sa kanilang kampanya laban sa pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.


“BOC pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders and our citizens’ well-being against the dangers of illegal substances that intend to penetrate our communities,” ani Rubio.


Tags: Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark

You May Also Like