Nasawi ang isang tripulante habang nasagip naman ang 18 at pinaghahanap pa ang isang nawawala matapos na magbanggaan noong Biyernes,ang isang dredger at oil tanker sa Off Corregidor Island.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sangkot sa insidente ay ang Sierra Leone-flagged MV Hong Hai 189 at ang Marshall Island-flagged MT Petite Soeur.
Nalaman na nanggaling ang MV Hong Hai 189, isang dredger vessels n nanggaling sa Botolan, Zambales at may sakay na 20 crew members.
Habang ang MT Petite Soeur. Na Isang chemical ar oil product tanker, ay umalis sa daungan ng Mariveles,Bataan bago naganap ang insidente.
Ayon sa Coast Guard Sub-Station Corregidor, kaagad na idineploy ang kanilang BRP Capones , aluminum boats at rubber boat para asistehan ang insidente at tumulong sa search and rescue operation.
Nalaman na narekober ng PCG, ang nasawing tripulante, alas. 7:30 ng umaga nitong Sabado.
Isinugod naman ang dalawang na rescue na crew at dinala sa hospital para mabigyan ng lunas.
“The Coast Guard Aviation Force is currently conducting an aerial survey to augment the SAR operations,” ani PCG .
Nasa maayos naman na kalagayagan,ang 21 crew ng MT Petite Soeur.
“The authorities will conduct a port state control inspection to MT Petite Soeur to hold and detain the vessel,” ayon PCG.
Patuloy naman ang imbestigasyon at Magsasagawa ng port state control inspection ang PCG sa para mapigil at.ma.detain ang vMT Petite Soeur to hold and detain the vessel.














