DILG NAG ALOK NG P500K REWARD SA IKADARAKIP NG PUMATAY SA PUNONG BARANGAY SA PANGASINAN

By: Victor Baldemor Ruiz

NAG-AALOK ng P.5 milyon si Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin C. Abalos, Jr. para sa sinumang makakapagturo o makakatulong sa pagresolba ng pinatay na punong barangay ng Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.

Si Chairman Melinda “Tonet” Morillo, ay pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang lulan ng kanyang SUV sa bahagi ng Brgy. Tebag sa nasabing bayan.


“Walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang anumang uri ng karahasan tulad ng walang saysay na pagmamaslang kay Punong Barangay Tonet,” ani Abalos nang personal niyang dalawin ang burol ng pinaslang na chairman.

“I am, therefore, offering a P500,000 reward for any information that will lead to the immediate arrest of the persons behind her murder. ang inyo pong pakikiisa ay maaring magiging daan tungo sa hustisya,” dagdag pa nito.

Kasabay ng ating pakikiramay sa pamilya ni Punong Barangay Tonet ay ang pangakong gagawin namin ang lahat para makamit natin ang hustisya para sa kanya, dagdag pa ng kalihim matapos na kausapin ang local police sa lalawigan.


Tags: Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin C. Abalos, Jr.

You May Also Like