NIYANIG ang Davao Oriental ng 6.1 magnitude na lindol bago mag-alas-6 kahapon ng umaga at inaasahan na maaaring magdulot umano ito ng mga aftershocks, ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs),
Paliwanag ng Phivolcs, ang paggalaw ng Philippine Trench ang dahilan ng sunod-sunod na paglindol ngayon sa Davao Region.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Renato Solidum, nangyari ang pagyanig bandang alas-5:57 ng umaga may 78 kilometers southeast ng Manay town.
Base sa impormasyon ng Phivolcs, tectonic ang ugat ng lindol at natukoy ang sentro ng lindol sa lalim na 22 kilometro.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Manay at Intensity 2 naman sa General Santos City at Tampakan, South Cotabato.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Davao. Bislig at Kidapawan.
Muling nagpaalala si Solidum sa publiko na palaging maging handa lalo na’t ang paggalaw na Philippine Trench ay maaaring magdulot ng mga sakuna tulad ng tsunami. (VICTOR BALDEMOR)














