Latest News

DAULAH ISLAMIYAH LIDER , 16 IBA PA SUGATAN, BUKOD SA 2 TERORISTANG PATAY

BUKOD sa dalawang teroristang napatay sa isinagawang preemptive military operation ng mga tauhan ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division sa Sitio Patawali, Barangay Ganta, Datu Salibo, Maguindanao ay may 17 sugatan kabilang si Daulah Islamiyah lider Abu Turaife .

Ito ang inihayag kahapon ni BGen. Eduardo Gubat, Acting Division Commander ng 6ID at JTF Central, matapos na kilalanin ang mga ansawi na sina Abdul Patir, miyembro ng BIFF-Karialan Faction at Sadam Salandang na kasapi ng nasabing grupo sa ilalim ng isang alyas Robot.

Sinasabing base sa ground information, may tinatayang 17 sugatan sa grupo ng Dawlah Islamiya kasama ang lider na si Abu Turaife na namataang dala-dala ng kanilang mga patakas na kasamahan.


“Tiniyak naman natin na hindi malalagay sa peligro ang buhay ng mga residente dahil sa pagnanais ng ating kalaban na maglagi sila sa lugar. Siniguro naman ng ating mga kasundaluhan na nasusunod pa rin ang karapatang pantao na pinapairal natin. Hindi lamang sa mga residente pati na sa mga nakasagupa ng ating pwersa”, ayon pa kay BGen. Gubat.

May panawagan naman ang pamunuan ng 6ID at JTFC sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na iwaksi na nila ang kanilang koneksyon at magbalik-loob na sa pamahalaan alang-alang sa kanilang iniwang pamilya.

“Those weakened BIFF-Karialan Faction members who remain entangled in their twisted violent ideology and terroristic ways must surrender now as the JTFC will always be relentless in its operations and we will hunt them down until the last terrorist element is prevented from waging violence and intimidation to our peace-loving communities in the province of Maguindanao”, dagdag pa BGen. Gubat.

Ayon naman kay Col. Oriel Pangcog, 601st Infantry (Unifier) Brigade Commander, nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng tropa ng gobyerno sa lugar para hindi na muling maghasik ng gulo ang teroristang BIFF. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan)

You May Also Like

Most Read