DALAWANG RIDER, INIHABOL NI KAMATAYAN SA UNDAS

By: Jesse Ruiz

DALAWANG rider ang inihabol ni Kamatayan sa Todos Los Santos nang kapwa sila masawi sa naganap na salpukan ng kanilang mga motorsiklo sa lalawigan ng Pangasinan, na malubha ring ikinasugat ng isang backrider.

Ayon sa police report, naganap ang head-on collision ng dalawang motorsiklo bandang alas1 6:00 ng gabi nitong Undas sa kahabaan ng Manila North Road sa Urdaneta City.


Patay ang 55-anyos na motorcycle rider mula Nueva Ecija na sakay ng Suzuki Raider 150, habang malubhang nasugatan naman ang angkas nitong 35-anyos na female canteen helper mula San Manuel, Pangasinan, matapos na sumalpok sila sa Honda Click 125 na minamaneho ng 37-taong gulang na pintor mula Quezon City.

Base sa paunang imbestigasyon, kinain umano ng Honda Click ang kabilang lane sa pagtatangka nitong mag-overtake sa isang sasakyan kaya nasalpok niya ang kasalubong na Suzuki Raider, dahilan para tumilapon silang lahat sa lakas ng impact.

Nagawa pang madala ng Urdaneta City Emergency Medical Services ang mga biktima sa Urdaneta District Hospital, subalit kapwa idineklara ng attending physician na dead-on1arrival ang dalawang rider, habang maliban ang angkas ay nanatiling nasa pagamutan pa.


Tags: Urdaneta District Hospital

You May Also Like

Most Read