UMAKYAT sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan kasunod ng sunog na naganap sa sa Barangay 2A sa Davao City na ikinasawi ng dalawang menor de edad nitong nakalipas na linggo.
Sa ulat, patay na nang matagpuan ang dalawang paslit na may edad 11 anyos at 14, habang isa pa ang inulat na nasugatan bunsod ng sunog na tumupok sa isang residential area.
Sinasabing kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang bata na na-trap sa nasusunog nilang bahay na nakitang magkayakap pa ang kanilang mga sunog na bangkay.
Itinatayang nasa 150 kabahayan ang naabo bunsod ng sunog na umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula ng mga pamatay-sunog at ito ay tumagal ng ilang oras.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Arson Division at ng Bureau of Fire Protection.














