DALAWANG LOCAL TERRORISTS, PATAY SA BASILAN

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG kasapi ng Sulu-based Daulah Islamiyah-Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ni subleader Mudzrimar Sawadjaan, a.k.a. Mundi, at isa pang miyembro naman ng Basilan-based Abu Sayyaf Group sa pamumuno ni subleader Pasil Bayali, a.k.a. Kera, ang napatay sa ginawang follow-up operation sa Sumisip, Basilan nitong Martes.

Ayon sa ulat, isang focused military operation ang inilunsad ng Joint Task Force Basilan kamakalawang madaling araw at pakay nito na makuha nang buhay o patay ang dalawang notorious ASG sub-leaders na sina Mundi at Kera.


Hinihinalang nakatakas ang mga ito bago pa nakubkob ng military ang kanilang pinaglulugaan sa may Barangay Pamatsaken, sa bayan ng Sumisip kung saan napatay ang kanilang mga tauhan.

Kasunod ng ginawang clearing operations sa encounter site ay nadiskubre ang dalawang bangkay sa pahayag ni Col. Frederick Sales, acting commander ng Joint Task Force Basilan,

Ibinigay ng mga sundalo sa Barangay chairman ng Upper Benembengan at Sumisip PNP ang bangkay ng dalawa na nakilala lamang sa pangalang Dodong at Boy.


Magugunitang June 3 nang sinalakay ng military ang sinasabing lugar na pinagtataguan ni Mundi kung saan na-rescue ang Indonesian teenager na kinilalang si Abbang Rullie na anak ng mag-asawang suicide bomber na nagpasabog sa Jolo Cathedral kung saan 23 katao ang nasawi.

“Your armed forces will not stop its military operations until the terror groups are completely crushed. We have highly motivated and committed forces currently deployed to eliminate the threats and secure the communities in Basilan,”pahayag naman ni Lt. Gen. Roy Galido, Commander of Western Mindanao Command.


Tags: Sulu-based Daulah Islamiyah-Abu Sayyaf Group

You May Also Like