Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (NBI-PAMDO) ang dalawang indibiduwal dahil sa pagbebenta ng.mga hindi rehistradong fertilizer sa. Talavera, Nueva Ecija.
Napag-alaman na nakatanggap ng magkahiwalay na reklamo ang NBI -PAMBO laban kina Eugene Quiambao, dealer ng fertilizers at Roy Ramos, may-ari ng Greenfields Agri Trading (Greenfields) kaugnay sa iligal na pagbebenta ng hindi rehistradong fertilizer na may kaparusahan sa ilalim ng P.D. 1144.
Lumitaw na noong Pebrero 6, 2024, kasama ng NBI-PAMDO, ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ng Department of Agriculture (DA) , 301st Special Mission Group of the 300th Air Intelligence Security Wing of the Philippine Air Force (PAF), sa pakikipag-ugnayan sa NBI-Cabanatuan District Office (NBI-CABDO), ay nagsagawa ng entrapment operation.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang mahigit 2,448 sako ng hindi rehistradong Macotta fertilizer na itinatayang nasa P3,200,000 ang halaga.














