ISANG drug smuggling attempt sa Clark Freeport Zone ang nasawata ng Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group kasunod ng pag-aresto sa dalawang suspek at pagkumpiska sa P75-M halaga ng shabu nitong Agosto 30, 2025.
Ayon kay PBGen Jay Reyes Cumigad, Director ng PNP AVSEGROUP, ang shipment na dumating mula Mexico noong August 20, 2025 ay idineklara bilang “Industrial Water Chiller” ay isinailalim sa interdiction operation sa FedEx Warehouse, Clark Freeport Zone at sa eexamination noong August 28, 2025 ay nadiskubre ng Bureau of Customs examiners, sa pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno, ang nilalaman na industrial water chiller kung saan nakatago ang itim na cylinder at lead shielding. Nakatago ito sa plastic bag na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 11.04 kilograms at nagkakahalaga ng P75,072,000.
Bago nito, ang consignee ay nakipag-ugnayan umano sa FedEx upang makuha ang package sa August 30, 2025.
Alas 5 ng hapon nang dumating ang dalawang suspek at nagtangkang kunin ang parcel. Doon na sila inaresto matapos makuha ang package.
Nakuha din sa kanila ang travel at identification documents, mobile phone, puting Nissan van at papeles nito, authorization letters at air waybill, pati na screenshots ng pag-uusap ng courier at mga partidong sangkot sa shipment.
Isang imbentaryo ang ginawa sa harap ng mga saksi para sa kumpiskadong illegal drugs at non-drug evidence. Ang mga inaresto ay nasa kustodiya ng PDEA Region 3 para sa imbestigasyon at kaukulang aksyon.
“This operation shows our strong resolve. PNP AVSEGROUP, together with airport authorities and partner agencies, will never allow illegal drugs to slip through our airports. Para sa seguridad ng ating mga kababayan, mananatili kaming alerto at determinado”, ani Cumigad.














