Masusing sinusubaybayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng isang priority infrastructure project tungo sa higit na pagpapabuti ng access at pagtaas ng economic activity sa silangang bahagi ng Lalawigan ng Bulacan.
Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni Senior Undersecretary Emil K. Sadain na ang tauhan at kagamitan ng dalawang civil work contractor ay buong-buong isinasagawa ang pagtatayo ng karagdagang dalawang lane para sa huling yugto ng 22.46-kilometrong Arterial Road Bypass Project Phase 3 na kilala bilang Plaridel Bypass Road.
Ang pagtatayo ng dalawang bagong westbound travel lane mula NLEX sa station sa Barangay Burol, Balagtas hanggang sa Barangay Maasim, San Rafael ay magdadala umano ng’ trickling economic benefits’ lalo na’t ang traverseed area ay naging commercial at industrial. centers na lumilikha ng trabaho para sa mga taga-Bulacan at katabing lalawigan ng Nueva Ecija sa Central Luzon.
Si Senior Undersecretary Sadain,na in-charge ng DPWH flagship projects sa ilalim ng “Build Better More” program, ay nag-inspeksyon sa road widening sa 7.74 kilometrong contract package 4 na higit sa 96 porsiyento ay inaasahang makukumpleto sa Abril 2023. Kasama rin sa inspeksyon sina Project Director Benjamin A. Bautista at Project Managers Basilio Elumba at Hermie Sablan ng DPWH Unified Project Management Office-Roads Management Cluster 1 (Bilateral).
Maliban sa mga gawa sa kongkretong paving na may kapal na 35-sentimetro sa isang 20-centimeter cement- treated base, ang contract package 4 sa ilalim ng Sino Road at Bridge Group Co. Ltd. ay kinabibilangan din ng pagtatayo ng single span 37-meter Bridge No. 8 at isang 318-meter Flyover No. 4.
Samantala, hinimok ang kontratista na CM Pancho Construction Inc. na pabilisin ang construction works para sa 12.5-kilometer contract packages 1 at 2 sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kondisyon ng magandang panahon.
Ang Arterial Road Bypass Project Phase 3 ay pinondohan ng loan agreement number PH-P266 sa pagitan ng Government of the Philippines (GOP) at Government of Japan, sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA). (NESTOR D. CAGUITLA)














