Latest News

CEBU-LGU, BINIGYAN NG ULTIMATUM NG DILG

Iginiit ni Interior Secretary Eduardo Año na labag sa batas ang ipinalabas na face mask ordinance ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame sa Quezon City, inihayag ni Sec Año binibigyan niya ng sapat na panahon ang Cebu LGU particular sa Governor Gwen Garcia para, rebisahin , baguhin o magsagawa ng adjustment sa kanilang inilabas na provincial resolution o hinggil sa pagsusuot ng face mask .

“Meron talagang paglabag na naganap dito ‘no, ang talagang sinaway nila at nilabag dito, yung Executive Order No. 151, Series of 2021. Ito yung pinirmahan at in-approve at inilathalang EO, ang EO na ‘to ay regarding sa implementation of the alert level system for COVID-19 response. And under this EO, the wearing of face mask is mandatory under all the alert levels,” paliwanag ng kalihim.
Inihayag din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon na nakikipag ugnayan na sila sa kanilang legal team kung ano ang dapat na maging hakbang sa isyu.


Pinag-aaralan na ng mga abogado ng DILG kung ano ang maaaring gawing legal na hakbang ukol sa kontrobersyal na resolusyon ng Pamahalaang-Panlalawigan ng Cebu ukol sa paggamit ng mask.

Una rito ay hinamon ni Gov. Garcia ang kagawaran na sampahan siya ng demanda kung iligal ang kanyang ipinaglalabang resolusyon. Ito umano ang iiwang legacy ni Sec Año.


“Kahit naman patawid na yung administrasyon yung batas ganoon pa rin naman eh ‘no? Hindi naman yan mababago, so kailangan ay panagutin natin sila kung hindi nila babaguhin o i-adjust o ia-align yung kanilang executive order at ordinansa sa national policies,” sagot ng kalihim.

Diin ng kalihim nanatili ang utos ng pambansang gobyerno sa pagsusuot ng mask sa lahat ng mga pampublikong lugar at aniya maaaring arestuhin ang mga lalabag sa mandatory use ng mask sa lalawigan.


“So ang ibig sabihin nito, dahil viniolate nila ang isang batas, ibig sabihin nito ay liable sila sa isang anti-graft and corrupt practices. And pangalawa, hindi ka pwede mag-prevail ang ordinansa o kaya ang executive order sa local government over the executive order of the president,” paliwanag pa ni Ano.

Aniya hindi naaayon ang utos ni Cebu Gov. Gwen Garcia na opsyon na lamang ang pagsusuot ng mask sa ‘open spaces and well ventilated areas’ sa kanilang lalawigan.

Magugunitang pinanindigan ni Garcia na ang pagsusuot ng mask ay bahagi lamang ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) at hindi ito batas.

Sagot naman ni Año, maaaring maharap sa mga kaso ang mga opisyal na lalabag at partikular niyang binanggit ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia “no legal basis” ang mga awtoridad para hulihin ang mga taong hindi nagsusuot ng face masks sa labas ,

“that under Section 5 of the latest Inter-Agency Task Force resolution issued June 4, the task force “recognizes the autonomy of local government units.”

“It’s very clear, ‘provided further there is no objection from local government unit where these activities take place,'” dagdag pa nito. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Secretary Eduardo Año

You May Also Like

Most Read