Inalerto ng Cebu City Health Office (CCHO) ang mga residente ng lungsod na sumunod sa health protocols para makaiwas sa conjunctivitis o sore eyes.
Napag-alaman kay Dr. Daisy Villa, head ng CCHO, na ang nabanggit na sakit ay kadalasang nakukuha kapag mainit ang panahon.
Sa kabila nito,tiniyak ni Villa na hindi pa naman nakakaalarma ang naitatalang kaso sa kanyang tanggapan.
“It’s not that significant, but we don’t need to worry because conjunctivitis is mostly viral and self-limiting. The eyes will turn red unless there are eye discharges, that’s the time that we will treat it with anti-bacterial medications,” ani Villa.
Napag-alaman na nakapagtala ng 29 na kaso ng sore eyes noong Marso habang kinakalap pa ang datos noong Abril.
Noong 2022, nakapagtala ang city health office ng kabuuang 65 na kaso sa buong taon.
Samantala, sinabi ni Bantayan Health Officer Samantha Tinsay na ang therapy at supportive care para sa sore eyes ay maglagay ng cold compress at kung ito naman ay resulta ng allergy, maaring uminom ng antihistamine pill.
Kung ito naman ay isang ‘bacterial infection,’ dapat na kumonsulta sa doktor dahil hindi lahat ng eye antibiotics ay epektibo sa sore eyes.
Sinabi naman ni Villar na ang allergic conjunctivitis ay hindi nakakahawa at dapat la,amg na iwasan na mahawakan ng kontaminadong kamay na naikusot sa mata upang maiwasan ang sore eyes.














