Idiniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) Second Division si Cagayan Governor Manuel Mamba dahil sa paglabag sa “spending ban” sa 2022 national at local elections.
Unang inakusahan ng petisyuner na si Zarah Rose De Guzman Lara, na tinalo ni Mamba sa nakalipas na halalan na nagsagawa ng malawakang vote buying si Mamba gamit ang pondo ng.provincial government .
Sa kabila umano na nabigo si Lara na mapatunayan na nag bote biyong si Mamba ,may ebidensiya naman na nilabag nito ang 45 araw na ban sa pagpapalabas ng public funds.
Sinabi pa ng Comelec na isa lamang ang programa ng local government na ‘exempted’ sa ban,at ito ay ang “No Barangay Left Behind” o NBLB project, sa kondisyon na ang gagamitin na pondo ay iuulat.
Ayon sa Second Division, walang ebidensiya na si Mamba ay tumugon sa requirement, dahilan para maging iligal ang pagpapalabas ng pondo.
“Suffice it to say, failure to comply with the condition set by the Commission on the grant of exemption, nullifies the said exemption. Briefly stated, in this case, it may be considered that the grant of exemption for the NBLB is nullified, and thus, the disbursement of funds therefor is illegal for want of authority from the Commission,” ayon sa 2nd division.
Idinagdag pa ng 2nd division na ang Comelec au hindi nagbigay ng exemption sa dalawang programa ni Maba .
Ito ay ang ‘Oplan Tulong sa Barangay’ at ‘Krusada Kontra Korapsyon’.
Hindi naman itinanggi ni Mamba na nagkaroon ng disbursement ng pondo sa naturang proyekto.
Depensa naman ni Mamba, ang programa.ay hindi malawakang vote-buying kundi bahagi ng kanyang tungkulin bilang isang gobernador.
“(It) is incumbent upon Us to strictly implement the prohibition on the release, disbursement or expenditure of public funds not in accordance with existing laws, rules and regulations. Therefore, based on the evidence presented, Petitioner has overcome the burden of proof with substantial evidence to establish that Respondent violated Sec. 261 (v) (2) of the OEC (Omnibus Election Code),” ayon pa sa 2nd division.
Gayunman,sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na maaring maghain ng motion for reconsideration si Mamba sa loob ng limang araw na didinggin naman ng Commission en banc.
Napag-alaman na si Mamba ang ikalawang gobernador na nahaharap sa disqualification order matapos ang 2022 polls.
Una nang inatasan ng Comelec si Albay Governor Noel Rosal na bakantehin ang kanyang posisyon dahil sa paglabag sa spending ban. (Carl Angelo)