BUS, NAHULOG SA BANGIN; 31 PASAHERO, LIGTAS

MAPALAD na nakaligtas ang 31 sakay ng isang passenger bus maliban sa limang pasahero na nagtamo ng mga sugat matapos itong mahulog sa bangin sa Sitio Mangima, Barangay Tankulan, Manolo Fortich, Bukidnon, kamakalawa ng gabi.

Sa ginawang pagsisiyasat ng Manolo Fortich Police kay Tommy Magno ng San Andres, Barangay Bunawan, Agusan del Sur, ang driver ng bus nagmula sila sa Cagayan de Oro City at patungo sana sa Davao City.


Sa report na ibinahagi Police Senior Master Sergeant Larie Eco, Manolo Fortich PNP, Office on case sa 31 sakay na pawang dinala sa Bukidnon Provincial Hospital Annex sa San Miguel, Manolo Fortich ay may lima lamang ang nagtamo ng minor injuries.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na tinatahak ng bus ang kurbada at pababang bahagi ng national highway ng biglang nawalan ito ng preno kaya nawalan din ng control sa kanyang minamaneho ang driver ng bus.

Agad rumesponde ang pulisya at rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction Office at dinala sa Bukidnon Provincial Hospital ang mga nasugatan.


Isang pasahero ng bus na si John Michael Narvasa Ganzan ang nag-live Facebook video kung saan humihingi sila ng tulong para ma-rescue.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Roads and Traffic Administration ng lungsod, posibleng nawalan ng brake ang bus. Madulas din ang daan dahil umuulan nang mangyari ang insidente. Nangako naman ang may arin ng bus company na sasagutin nila ang gastusin ng mga pasahero. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Manolo Fortich Police

You May Also Like