Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (NBI-PAMDO) ang isang lalaking ‘bugaw’ diumano, sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Angeles City.
Sinampahan ng kasong Qualified Trafficking in Persons under Section 6 of R.A. 9208 as amended by R.A. 10364 in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Angeles City Prosecutor’s Office ang suspek na si Jojit Zamora Coronan.
Isinagawa ang operasyon matapos na makatanggap ng sumbong na nag-aalok ng sexual na serbisyo ng mga menor de edad ang suspek gamit ang isang Facebook account.
Inilatag ng NBI-PAMDO ang serye ng online surveillance operationsI at nang matukoy ay Isang ahente ang nagpanggap na customer.
Doon napag-alaman na ibinebenta ang mga babae sa halagang P3,000 hanggang P10,000 at kapag nakapili na ay ihahatid sa customer ang mga menor de edad para sa serbisyong sekswal.
Noong Mayo 18 ay nagkita ang poseur-customer at suspek, na kasama ang menor de edad na napili ng customer.
Inaresto ang suspek pagka-abot ng bayad habang ito ay nakasakay sa motorsiklo.














