Latest News

BARKO, NASUNOG; 12 PATAY, 7 NAWAWALA

Hindi bababa sa l2 ang pinangangambahang nasawi sa nasunog na passenger ship kabilang ang tatlong bata, habang may pito naman ang nawawala pa din matapos na lamunin ng apoy ang sinasakyan nilang MV Lady Mary Joy 3 sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may 195 na pasahero at 35 crew members ng MV Lady Mary Joy 3 na pag- aari ng Aleson Shipping ang nailigtas habang mayroong pitong katao ang nawawala pa rin.

Batay sa mgapaunang ulat, nasa 250 passengers at crew ang sakay ng 33- year- old ferry nang magliyab ito.


Karamihan sa mga nasagip ay sa tubig na pinulot ng rescue team ng Philippine Navy at Philippine Coast guard at ilang fishing boat na sumaklolo sa nagliliyab na barko, matapos silang maglundagan sa tubig nag magising silang nagliliyab na ang sinasakyang barko.

Hanggang kahapon ay patuloy na hinahanap ang mga napaulat na nawawala.

Ayon kay Basilan Governor Governor Jim Salliman-Hataman, posibleng magbago pa ang mga nasabing bilang dahil patuloy pa rin silang nagdo-double-checking ng pigura mula sa ibat -ibang rescue teams.

Nabatid na naglalayag ang nasabing ferry boat papunta sa bayan ng Jolo sa Sulu mula sa southern port city ng Zamboanga nang biglang magliyab ito malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan, pasado alas-11 kamakalawa ng gabi.


Sa report na Cmdr. Rejard Marfe, hepe ng Philippine Coast Guard (PCG)-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nag-deploy ng four-man Maritime Casualty Investigation Team (MCIT) mula Maynila para magsagawa ng formal investigation, habang tinututukan naman ng Marine Environmental Protection (MEP) na idineploy sa Basilan kung nagkaroon ng oil spill sa area.

Sa inisyal na imbestigasyon ay may pasaherong nagsabing nakarinig sila ng pagsabog bago mabilis na kumalat ang apoy . Karamihan sa mga pasahero ay natutulog nang maganap ang insidente na ikinasugat din ng 23 katao.

“Some of the passengers were roused from sleep due to the commotion caused by the fire. Some jumped off the ship,” ani Gov. Hataman.

Sinasabing karamihan sa mga namatay ay dahil sa pagkalunod matapos nilang maglundagan sa tubig.


Nahatak din kahapon ng umaga ang barko sa dalampasigan ng Basilan at sinimulan na rin Philippine Coast Guard ang kanilang imbestigasyon. Wala namang inulat na nagkaroon ng oil spill kasunod ng nasabing sunog. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read